Makulimlim na naman ang kalangitan, wari’y nagbabadya ng isang malakas na ulan. Tahimik ang paligid. Nakakabingi. Nakakabagot. Nakakapanghina ng loob. Nais mang gumalaw galaw kasabay ng mga banderitas na nanatili pa rin nakalambitin mula ng ipagdiwang ang kapiyestahan maging ang aking kaarawan. “ Naging ganap ang aking kaligayahan kung dumating sya…” bulong ko sa aking sarili. Hinintay ko sya buong magdamag sapagkat umaasa ako sa tinuran nya bago ang araw na yon. “ itetext lang kita pag nasa inyo na ako..” turan nya noon. “Gusto ko sorpresahin ka..” ngumiti na lamang ako ng mabasa ang kanyang mensahe. Dahil sa isipan ko, maaring mangyari yon. Matagal na kasing panahon.
Isang taon na ang nakararaan ng huli kaming magkita. At hanggang ngayon sya pa rin ang aking hinintay. Matagal na ang ugnayan naming ngunit dalawang beses pa lamang kaming nagkikita. Sa panig ko, mahabang panahon na ang aking hinintay, kalokohan ang hinintay ang isang pangyayari na malabong mangyari. Yon ay ang higitan pa ang pagkakaibigan naming dalawa. Dahil Oo, hanggang ngayon sya pa rin. Nanatili pa rin ang damdaming sumibol sa unang pagkakataon na nakita ko sya at nakilala. Hangal man ang umasa at magbakasakaling ako’y mahalin din nya pinagpatuloy ko pa rin. Kahit dumaan man ako sa ibang pakikipagrelasyon habang kami pa ri’y magkaibiga’y hinahangad ko pa rin na sya ang aking kasama, katabi, kayakap, kakwentuhan.. ngunit ito’y hindi man lang binigyan ng pagkakataon dahil ang huling beses na yon ay wala nang pag asa na maulit pa.
Isinumpa ko sa aking sarili na sa araw ng aking kaarawan nakasalalay ang pananatili o pagbitaw ko sa damdamin ko para sa kanya. Na kung hindi sya darating, tatapusin ko ang kung ano mang namamagitan sa amin, kahit ako ang masasaktan dahil ako ang naghintay at umasa. Matagal na akong naghintay at umasa. Napagod na ang puso ko at tila nawalan nan g dahilan upang sya’y akin pa ring panghawakan.
No comments:
Post a Comment