sa ilalim ng kumot ko,kasama ng headphone sa tenga ko
iniisip ka habang pumapatak ang aking luha
dahil hanggang ngayo'y pag ibig sayo'y hindi mawala wala.
may magagawa ba ako kung hindi mo ako magawang mahalin?
dapat ko ng lumayo ng hindi na masaktan ang damdamin
pero hetopa rin ako humahabol pa rin sayo,
umaasa na sana'y maambunan ng pagmamahal mo.
kontin gpansin mo'y kaligayahan na para sa akin,
paglayo mo'y dumudurog sa aking damdamin,
kaya sana'y maunawaan mo ang tangang puso ko
na nagmamahal pa rin sayo.
wag kang magbulag bulagan, narito ako sa iyong harapan
naghihintay na sana'y iyo ring maramdaman ang damdaming sayo lamang laan.
from NC... to FM...
Saturday, February 12, 2011
Sunday, January 16, 2011
"WHEREVER YOU GO"
I remember you caught me out in the rain,
Im feeling so alone and im in a deep pain,
You go near me and hurriedly hugged me,
Then said,"im here now, dont be worry.."
You taught me how to raise beyond all my mistakes,
Sharing to me a big part of you that makes me feel so great,
The hopelessness inside me turns into courage,
And im very thankful, for you help me change.
Wherever I go, let me feel that youre still here..
I wont be far away, just think that im near...
Coz i will hold you close into my heart and it wont never tear apart..
The care and love will never fade away,
Coz forever, in memory, i'll stay...
Im feeling so alone and im in a deep pain,
You go near me and hurriedly hugged me,
Then said,"im here now, dont be worry.."
You taught me how to raise beyond all my mistakes,
Sharing to me a big part of you that makes me feel so great,
The hopelessness inside me turns into courage,
And im very thankful, for you help me change.
Wherever I go, let me feel that youre still here..
I wont be far away, just think that im near...
Coz i will hold you close into my heart and it wont never tear apart..
The care and love will never fade away,
Coz forever, in memory, i'll stay...
Nagising ako isang umaga na wala ka na. nang maramdaman ko ito’y ikinubli ko na lamang ang matinding kalungkutan maging ang aking mga luha. Kahit alam kong mahirap ngunit alam kong makakaya kong gugulin ang mga araw na wala ka. Hindi na kita pipilitan pa.hahayaan ko na lamang na tuluyang mabura sa limot lahat ng tungkol sa atin. Hanggang dito nalang tayo FM,.. hanggang sa imahinasyon ko na lamang ang naturang damdamin na nabuo sa loob ng mahabang panahon na nagging magkaibigan tayo. Tuluyan ko ng pinuputol ang kung anumang meron tayo. Sabi mo pa nga ng minsang tinanong kita na mawawala ako anong gagawin mo,sinabi mo lang” siguro may dahilan ka..” ngayon may dahilan na ako. Dahilan na naipon ko sa loob ng mga panahon na wala ka dito sa piling ko. Dahilan na nag udyok sa akin sa kalimutan at ibaon na lang sa limot ang lahat. Kahit nagawa mo kong pasiyahin at samahan sa lahat ng oras, kahit mabait ka sa akin.. gagawin ko pa rin ang nararapat. Yun ay ang kalimutan ka.
Nang aminin ko sayo na mahal kita alam ko pagkatapos nun maririnig ko yung salitang hindi ko nais marinig. Pero nagpakamanhid ako para lang malaman ko kung sino ba talaga ako para sayo. Ang hirap kasi na sa bawat oras na magkasama tayo hindi ko masagot sagot yung tumpak na sagot kung sino ka ba talaga sa buhay ko, sino ba ako sayo, ano ba tayo? At nang sinadya kong itumpok yung isasagot mo, nahuli ko agad kahit hindi mo sinabi ng diretsahan sa akin. Kung hanggang magkaibigan na lamang ba tayo… hindi ka umimik. At dun ko napagtanto na hanggang ngayon pala, kaibigan lang ang turing mo sa akin.
Hindi mo alam kung gaano ko pinilit na pigilan ang sarili ko na mahalin ka. Dahil wala akong mapapala sayo. Wala dahil noon pa lang hindi mo ko minahal gaya ng pagmamahal ko sayo. Pag naiiwan akong mag isa, bago ako matulog sinasabi ko sarili ko,” bakit di mo magawang kalimutan yang feelings mo!! Ang tanga mo talaga!” you never knew how much I hate this feeling. Though you already dumped me, im still here… hoping that one day, same na tayo ng nararamdaman. Kahit nagmumukha na akong tanga na maging sa panaginip hinahanap pa rin kita. Hinihiling na kahit doon man lang makita ka. Ngunit hindi na naulit ang minsang napanaginipan kita. Hindi na..
Masakit sa akin na limutin ka maging pinagsamahan natin dapat ko na ring kalimutan. Sa dinami dami ng pwede kong mahalin bakit ikaw pa? ikaw pa na malayo sa akin, ikaw pa na hindi ako magawang mahalin. Fm galit ako sayo! Galit ako dahil hinayaan mo akong mahalin ka. Pinadama mo sa akin na mahal mo ko nung una pa tayong nagkakilala pero lahat pala’y panandalian lamang. Galit ako dahil nasasaktan ako sa ginawa mo… galit ako at hindi ko na hahayaan pang lumalim ‘to. Tinatapos ko na ang katangahan ko sayo. Sana sinabi mo sa akin noon pa lang na hanggang magkaibigan lang tayo ah? Walang maiinlove.kung ganun siguro hindi ako ganito..hindi tayo nagging ganito.
Bakit may nararamdaman pa rin ako para sa kanya? Bakit nandito pa rin ako kasama sya? Bakit hanggang ngayon sya pa rin ang laman ng puso ko? Bakit ko pa sya iniintindi? Bakit ko pa sya namimiss?Bakit magpasahanggang ngayon umaasa pa rin ako na magiging kami pa rin sa huli?
Nangako na ako nung nakaraan linggo, na hinding hindi ko na sya gagambalin pagdating ng bagong taon. Pero bakit ganito pa rin? I hate myself for loving him like this… alam ko naman kasi na stupid na to pero nandito pa rin ako…what shall I do? Slap myself till I drop? I cant make him love me. Ako pa lang naman pa rin yung magiting na txtmate nya na hanggang ngayon umaasa na higit pa dun.. ako lang naman yung babaeng naghihintay na saluhin nya. Sino nga ba sya? Sya si keejay eviota noon, yun yung pangalan na pinaghahawakan ko noon. Pinaghahanap ko sa kahit ilang sulok ng mundo. Pinagpantasyahan ko ang tao na nasa likod ng pangalan yun..pero kasinungalingan lang pala ang lahat. Ang tanga tanga ko talaga. Sa loob ba naman ng mahabang panahon, yung tao sa likod ng pangalang yun ay minahal ko? Isang malaking rason na ito upang magalit sa kanya, malaking rason na para alisin at kalimutan sya sa puso’t isip ko. Sya daw si keejay Lorenzo, gusto kong maniwala. Pero paano? Pinaghahanap ko pa rin sya sa pagkataong yun pero wala pa rin akong mahagilap. Isa syang napakamisteryosong nilalang na ibinigay sa kin. Nakilala ko nga sa mapanlinlang na paraan. How could I love someone na ni pangala’y pinagdududahan pa na paniwalaan?
Sa totoo lang dapat matagal na akong walang communication sa kanya pero andito. Pabalik balik lang. kasama ko sya, kumustahan, kwentuhan, tapos mawawala. Kinabukasan anjan na naman sya tapos mawawala na naman. Ang dami dami ng rason sa paligid ko, pero andito pa rin ako. Minamahal sya. Ang sakit sa side ko na magmahal sa tao na hindi ako mahal…gayong may mga taong naghihintay sa akin na ambunan man lang ng konting pagmamahal at panahon sa kin. Panahon na inaaksaya ko sa kanya. Nasanay akong mahalin sya. Kaya nahihirapan ako. Nahihirapan akong pakawalan sya. Marahil nahihirapan din syang turuan ang sarili nya na mahalin ako.
Sa panig ko, kaawa awa ang pag ibig na hindi natutumbasan. Kahit sabihin man na, “basta malaman lang nya na mahal ko sya, ok na.” pero paano mo maikakaila na sa bawat pagnilaynilay mo sa mga panahon na inalagaan mo at minahal mo yung taong yun ay di man lang sumagi sa isip nila na “ bakit hindi ko suklian ang pagmamahal ng taong to?” ang daming katanungan sa isip ko, ang damiin kong gustong sabihin sa kanya pero nauunahan ako ng takot. Takot ako nab aka marinig ulit sa kanya yung mga kataga na sinabi nya sa kin noon. Masakit kung maririnig ko ulit.panahon man ang nagbago, pero ang damdamin nya para sa akin ay nanatili.nanatiling hanggang kaibigan lang. hanggang doon lang..
Pinakahihiling ko pa rin na sana gumising sya isang araw at mapagtatanto na mahal na nya ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Nakakatawa at nakapagpapatanga sa akin ang mga bagay na matagal ko na sanang binitiwan pero magpasahanggang ngayo’y hawak ko pa rin. Nasasaktan ako sa tuwing naalala ko na nasaktan na nya ako minsan pero binalewala ko lamang dahil takot ako na iwan nya ako bigla. Nasasaktan ako sa tuwing pinagmumukha nya akong tanga. Nasasaktan din ako sa tuwing nararamdaman ko na mahal ko pa rin sya. Ayoko na sana sa damdaming ito, gusto ko ng tigilan..gusto ko ng wakasan at kalimutan. Pero mahirap, dahil sya pa rin ang tanging taong aking pinakahanap hanap. Maging sa aking panaginip…
March 30, 2010
2:33 am
Matagal nang panahon mula ng matutunan ko syang mahalin at ngayon pinipilit ko nang kalimutan ang natutunan kong pagmamahal sa kanya. Ayoko na sanang maramdaman, pero bumabalik pa rin, buhay na buhay pa rin. Patuloy pa rin akong umaasa kahit wala na. nakakulong pa rin ang puso’t isip ko sa mga ala ala na iniwan nya. Ang minsang panahon na nakasama ko sya, ang panahong hawal hawak ng puso ko na baka isang araw bumalik sya. Pag asa na dapat matagal ko ng binitawan. Sa sobrang sakit, wala na akong maramdaman. Sa sobrang lungkot, di ko alam kung saan..paano..lumugar sa puso nya. Gusto ko ng bumitiw pero di ko magawa. Kung kaya ko lang..sana matagal na.
Makasama sya ulit. Nabubuo lang sa imahinasyon ko. Dalawang beses ng nakita sya ng mga mata ko. Dala dala ko bawat araw. Pati mismo katauhan nya..nakikita ko sa iba. Mas lalo ko syang namimiss at pag nararamdaman ko yun. Para akong natutunaw sa sakit dahil wala akong magawa. Hanggang kailan ko pa ‘to dadalhin? Sa panahon ba na wala ng natitira sa ‘kin?
March 10, 2010
12:54 am
Kung malalaman nyang may iba na ako babalik ba sya? Kung malalaman nyang iniiyakan ko sya, maawa ba sya sa akin at babalik? Kung malalaman nyang mahal na mahal ko pa rin sya mamahalin rin kaya nya ako?
Mga katanungang nabubuo sa isip ko pag naiisip ko sya. Mga tanong na nagbabakasakaling magkatotoo, tanong na gusto kong itanong sa kanya. Masasagutan pa ba ang lahat ng mga ito kung ang totoo ay wala ng pag asa ng namamagitan sa aming dalawa.
Dala dala ko pa rin araw araw ang pangungulila, sakit at pagmamahal ko sa kanya. Kahit nasasaktan ako sa damdaming ito patuloy pa rin ang nararamdaman ko. Kahit ilang beses kong sabihin sa sarili na wala na sya, patuloy pa ring buo sa puso’t isip ko yung pagmamahal ko sa kanya. Gusto ko syang makita ulit, mahawakan, matitigan, kahit alam ko pagkatapos, wala ng mangyayaring maganda. Nasasaktan ako pag nakikita ko ang sarili na hinahanao ko sya. Di pa rin matanggap ng puso ko na wala na yung taong natutunan kong mahalin. Kung nakikita nya lang na nahihirapan ako, kung alam lang nyang nararamdaman ko pa rin yung dati nyang pagmamahal, di sana ganito. Hindi sana masakit sa panig ko. Na yung taong natutunan kong mahalin, kukunin lang pala sa akin.. kung alam ko lang na darating yung panahon na mawawala din sya, di ko na sana hinayaang pumasok sya sa buhay ko. Di sana ako ganito kaapektado sa pagkawala nya.
Sana dumating yung araw na masasabi kong wala na sya sa puso’t isip ko. Kasi pagod na ako na mahalin yung taong pilit nang lumalayo sa akin.
January 16, 2010
Saturday
Gusto ko syang mahalin tulad ng iniisip kong perpektong pagmamahal, gusto ko syang alagaan tulad ng pag aalaga na hinahangad nya, gusto ko maramdaman nya yung pagmamahal ko pero paano ko magagawa yon kung wala na sya.
Hindi ko hinangad na maging ganito ako kahangal kung magmahal. Ang alam ko lang sinusunod ko ang tunay kong nararamdaman. Hindi ko ninais na masaktan ng todo todo dahil lang sa pagmamahal ko sa isang tao. Ang nais ko lang ay mahalin din ako at bigyang importansya ng taong pinag alayan ko ng pagmamahal.
Mali bang magmahal ng sobra kahit alam mong walang kapalit? Mali bang ipagpilitan sa isang tao na mahalin ka din nya? Kahit alam ko yung tama, bakit nakikita ko pa rini ang aking sarili na nagmamahal sa kanya? Bakit hindi ko magawang ilayo ang damdamin ko sa kanya? Bakit nandito pa rin ako umaasa na baka isang araw bumalik sya?
Ang hirap tanggapin na ako lang yung nagmamahal. Kahit sabihin kong okay lang, pero nararamdaman kong walang kahahantungan. Ang hirap aminin na sa bawat pag gising ko kailangan kong sabihin sa sarili ko na “ oie wala na sya.” Mahirap itanggi na naalala ko pa rin sya sa bawat oras na ginugugol ko dahil ni minsan di sya nawawala sa isip ko.
Kung kaya ko lang talaga harapin ang bawat araw na walang nabubuong pangungulila sa kanya, na hindi man sya pumapasok sa isip ko, na hindi ko na nararamdaman na mahal na mahal ko pa rin sya. At hindi ko mapapagtanto na nasayang lang ang aking pagmamahal sa isang tao na ni minsan hindi ako minahal.
Subscribe to:
Posts (Atom)