Sunday, January 16, 2011

Nagising ako isang umaga na wala ka na. nang maramdaman ko ito’y ikinubli ko na lamang ang matinding kalungkutan maging ang aking mga luha. Kahit alam kong mahirap ngunit alam kong makakaya kong gugulin ang mga araw na wala ka. Hindi na kita pipilitan pa.hahayaan ko na lamang na tuluyang mabura sa limot lahat ng tungkol sa atin. Hanggang dito nalang tayo FM,.. hanggang sa imahinasyon ko na lamang ang naturang damdamin na nabuo sa loob ng mahabang panahon na nagging magkaibigan tayo. Tuluyan ko ng pinuputol ang kung anumang meron tayo. Sabi mo pa nga ng minsang tinanong kita na mawawala ako anong gagawin mo,sinabi mo lang” siguro may dahilan ka..” ngayon may dahilan na ako. Dahilan na naipon ko sa loob ng mga panahon na wala ka dito sa piling ko. Dahilan na nag udyok sa akin sa kalimutan at ibaon na lang sa limot ang lahat. Kahit nagawa mo kong pasiyahin at samahan sa lahat ng oras, kahit mabait ka sa akin.. gagawin ko pa rin ang nararapat. Yun ay ang kalimutan ka.
Nang aminin ko sayo na mahal kita alam ko pagkatapos nun maririnig ko yung salitang hindi ko nais marinig. Pero nagpakamanhid ako para lang malaman ko kung sino ba talaga ako para sayo. Ang hirap kasi na sa bawat oras na magkasama tayo hindi ko masagot sagot yung tumpak na sagot kung sino ka ba talaga sa buhay ko, sino ba ako sayo, ano ba tayo? At nang sinadya kong itumpok yung isasagot mo, nahuli ko agad kahit hindi mo sinabi ng diretsahan sa akin. Kung hanggang magkaibigan na lamang ba tayo… hindi ka umimik. At dun ko napagtanto na hanggang ngayon pala, kaibigan lang ang turing mo sa akin.
Hindi mo alam kung gaano ko pinilit na pigilan ang sarili ko na mahalin ka. Dahil wala akong mapapala sayo. Wala dahil noon pa lang hindi mo ko minahal gaya ng pagmamahal ko sayo. Pag naiiwan akong mag isa, bago ako matulog sinasabi ko sarili ko,” bakit di mo magawang kalimutan yang feelings mo!! Ang tanga mo talaga!” you never knew how much I hate this feeling. Though you already dumped me, im still here…  hoping that one day, same na tayo ng nararamdaman. Kahit nagmumukha na akong tanga na maging sa panaginip hinahanap pa rin kita. Hinihiling na kahit doon man lang makita ka. Ngunit hindi na naulit ang minsang napanaginipan kita. Hindi na..
Masakit sa akin na limutin ka maging pinagsamahan natin dapat ko na ring kalimutan. Sa dinami dami ng pwede kong mahalin bakit ikaw pa? ikaw pa na malayo sa akin, ikaw pa na hindi ako magawang mahalin. Fm galit ako sayo! Galit ako dahil hinayaan mo akong mahalin ka. Pinadama mo sa akin na mahal mo ko nung una pa tayong nagkakilala pero lahat pala’y panandalian lamang. Galit ako dahil nasasaktan ako sa ginawa mo… galit ako at hindi ko na hahayaan pang lumalim ‘to. Tinatapos ko na ang katangahan ko sayo. Sana sinabi mo sa akin noon pa lang na hanggang magkaibigan lang tayo ah? Walang maiinlove.kung ganun siguro hindi ako ganito..hindi tayo nagging ganito.

No comments:

Post a Comment