January 16, 2010
Saturday
Gusto ko syang mahalin tulad ng iniisip kong perpektong pagmamahal, gusto ko syang alagaan tulad ng pag aalaga na hinahangad nya, gusto ko maramdaman nya yung pagmamahal ko pero paano ko magagawa yon kung wala na sya.
Hindi ko hinangad na maging ganito ako kahangal kung magmahal. Ang alam ko lang sinusunod ko ang tunay kong nararamdaman. Hindi ko ninais na masaktan ng todo todo dahil lang sa pagmamahal ko sa isang tao. Ang nais ko lang ay mahalin din ako at bigyang importansya ng taong pinag alayan ko ng pagmamahal.
Mali bang magmahal ng sobra kahit alam mong walang kapalit? Mali bang ipagpilitan sa isang tao na mahalin ka din nya? Kahit alam ko yung tama, bakit nakikita ko pa rini ang aking sarili na nagmamahal sa kanya? Bakit hindi ko magawang ilayo ang damdamin ko sa kanya? Bakit nandito pa rin ako umaasa na baka isang araw bumalik sya?
Ang hirap tanggapin na ako lang yung nagmamahal. Kahit sabihin kong okay lang, pero nararamdaman kong walang kahahantungan. Ang hirap aminin na sa bawat pag gising ko kailangan kong sabihin sa sarili ko na “ oie wala na sya.” Mahirap itanggi na naalala ko pa rin sya sa bawat oras na ginugugol ko dahil ni minsan di sya nawawala sa isip ko.
Kung kaya ko lang talaga harapin ang bawat araw na walang nabubuong pangungulila sa kanya, na hindi man sya pumapasok sa isip ko, na hindi ko na nararamdaman na mahal na mahal ko pa rin sya. At hindi ko mapapagtanto na nasayang lang ang aking pagmamahal sa isang tao na ni minsan hindi ako minahal.
No comments:
Post a Comment